Suporta Para Sa Mga Batang Konektado Sa Dayuhang Bansa - Tanggapan ng konsultasyon

  • Operasyon: Internationalization Division of Sendai Tourism, Convention and International Association, a public interest incorporated fundation 
  • Cooperation: Sendai City Board of Education

Sinusuportahan namin ang mga bata na may koneksyon sa mga dayuhang bansa, ang kanilang mga magulang, mga paaralan na tumatanggap ng mga bata, at mga guro sa larangan sa iba't ibang sitwasyon mula sa pagpasok, maginhawang kasanayan sa buhay-mag-aaral, konsultasyon ukol sa mataas na paaralan at pagsuporta sa pagsusuri sa pagpasok.


Sino ang mga batang konektado sa dayuhang bansa?

  • Mga batang dumating sa Japan mula sa ibang bansa sa dahilan ng kanilang mga magulang.
  • Mga batang ipinanganak at pinalaki sa bansang Hapon, ngunit ang mga magulang o alinman sa magulang ay may dayuhang nasyonalidad.
  • Mga bata na may dual nationality kabilang ang nasyonalidad ng Hapon
  • Ang mga bata sa pamilya na laging gumagamit ng wikang dayuhan sa bahay, dahil sa international marriage ng kanilang mga magulang, at iba pang dahiran.

At iba pa. ( * May iba't ibang mga kaso na kasali na rin ang mga bata ng dayuhang nasyonalidad. )


Ang mga ganitong bata ay maaaring magkaroon ng mga espesyal na problema.

  • May kakulangan sa kasanayan sa wikang Hapon sa pag-enrol.
  • Kailangan ng oras upang maging pamilyar sa buhay sa paaralan, dahil lumaki sa ibang kultura at kaugalian.
  • Mahihirapang makasabay sa pag-aaral ng mga paksa dahil hindi pamilyar sa gamit na wika sa pagtuturo at pag-aaral, kahit na maaaring walang problema sa pang-araw-araw na pakikipag-usap.
  • Ang kakayahan ng mga magulang na magsalita ng Hapon ay mababa at hindi nila kayang suportahan ang pag-aaral ng bata sa loob ng bahay.

Maaring kumonsulta sa amin sa ganitong kalagayan

( Para sa mga magulang )

  • Kapag hindi alam kung anong dapat pag-aralan at paanong magturo ng wikang Hapon sa loob ng bahay.
  • Pakag ang anak ay hindi marunong magsalita ng wikang Hapon, pero papasok siya sa elementarya o junior high school sa Japan.
  • Kapag kailangan ang interpreter sa pakikipag-usap sa guro kapag pumunta sa paaralan.
  • Kapag nais na magpakilala ng mga magtuturo ng wikang Hapon bukod sa paaralan.

Maaring magbigay ng ganitong suporta

Pagpapadala ng mga bihasang tagataguyod

  • Nagbibigay ng suporta sa mga magulang at bata sa paraan ng pagpasok sa paaralan.
  • Nagpapayo sa mga magulang sa mga dapat ingatan sa pagtuturo ng mga batang hindi marunong magsalita ng wikang Hapon

Magpapakilala at mag-aayos ng mga boluntaryong tagasalin ng wika.

  • Pagbibigay ng suporta sa araw ng pasukan sa paaralan.
  • Pagbibigang ng supporta sa pakikipanayam ng isang bata o isang tagapag-alaga sa mga guro
  • Makipag-ugnayan sa mga tagapag-alaga sa panahon ng emerhensiya.

( * May mga pagkakataon na matagalang makahanap ng interpreter )


Mga karaniwang katanungan

A.

Nag-aalok kami ng boluntaryong suporta para sa mga interpreter at kurso sa wikang Hapon para sa mga bata.

Ang suporta ng mga interpreter na ipinapadala ng Lupon ng Edukasyon ng Sendai City sa mga paaralan at ang sistemang boluntaryo para suportahan ang pag-aaral ng wikang Hapon.
Ang kurso sa wikang Hapon para sa mga bata na ginaganap kada linggo ng mga grupo ng mamamayan.
Ang kurso para sa mga magulang ukol sa pagpasok sa elementarya ng mga bata.
Ang mga payo na ibinibigay ukol sa iba’t ibang bagay, tulad ng paggabay ng kurso sa pagpasok sa mataas na paaralan.

Para sa mga partikular, mangyaring, magtanong sa taggapan ng konsultasyon.

A.

Ang mga bihasang kawani ay magbibigay ng payo para masanay nang maayos ang mga bata.

Ang mga bihasang kawani na may malawak na karanasan ay nagbibigay ng suporta sa mga batang may kaugnayan sa dayuhang bansa sa oras ng pagpasok sa paaralan ay magbibigay pagkumpirma ng kakayahan ng bata sa wikang Hapon, pagtuturo ng pamamaraan ng pag-aaral ng wikang Hapon, at payo para sa pagsasaayos ng buhay sa paaralan, atbp.

( * Hindi ito tinuturing na pagpapadala ng tagasalin ng wika )

Kung kinakailangan, ipakikilala rin namin ang mga panlabas na programa ng suporta. Ang mga gastos sa pagpapadala ay libre.

A.

Sa paglalakad ng mga proseso, interbyu sa pagitan ng magulang at kawani ng gobyerno ay posibleng magpadala ng tagaslin ng wika sa oras ng kinakairangan.

Posibleng magpadala ng mga interpreter sa mga bulwagan ng lungsod at mga paaralan sa pakikipagtulungan sa mga grupo ng mamamayan at dayuhang residente. Ang mga gastos sa pagpapadala ay libre.
Ngunit ito ay limitado sa pagpapadala sa maiksing oras laman ( kagaya ng pamamaraan ng paglipat ng paaralan, pakikipanayam sa mga magulang, o di kaya naman ay konsultasyon sa trabaho, atbp ) .
Tungkol sa pangmatagalang pagpapadala kabilang ang suporta sa klase, gagamitin namin ang volunteer system ng Sendai City Board of Education.


"Suporta para sa mga batang konektado sa banyagang bansa"

Ito ay isang proyektong sumusuporta sa bata ng SenTIA na nagsimula noong 2017.
Sa populasyon ng mga dayuhan na higit sa 10,000 sa Sendai City, ang bilang ng mga bata na may konekta sa banyagang bansa ay patuloy din ang pagtaas. Sa pakikipagtulungan sa Sendai City, Lupon ng Edukasyon ng Lungsod ng Sendai, mga grupo ng mamamayan, atbp., sinusuportahan ng SenTIA ang mga bata at mga magulang na may konekta sa mga banyagang bansa, nagpapadala ng mga tagataguyod sa mga site ng paaralan, at nagsasagawa ng mga workshop para sa mga tagasuporta at pangkalahatang publiko.